|
Home - TheName.Ph The
Name of God - Tanakh
Salvation
in the Name of God Part
5: Other Revelations
Concerning
tithes
Sitemap
Ang
Dakilang Mapagpanggap
Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag Hinggil sa Manloloko at Naloko
Tungkol
sa Pag-abuloy |
Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email
Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.
Ang Karapatan ng mga Propeta Inihayag noong ika-24 ng Setyembre 2006
Sabi ni Maestro Evangelista, sagutin natin ang tanong:
Tungkol sa mga mangangaral, ipinagpalagay ng mga pari at mga pastor na sila ang tanging may karapatan na magsalita tungkol sa Dios at kay Jesus, dahil pinag-aralan daw nila ang Banal na Aklat at tumanggap ng mga aral mula sa mga apostol at mga unang simbahan.
Sila lang ba ang may kapangyarihan o karapatan?
Una, sino ang dapat nating sangguniin sa Banal na Aklat tungkol sa katotohanan sa Dios?
Ang mga propeta ng Dios lamang, wala nang iba.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, gaya nang isang tao na magsasalaysay ng buhay mo sa iba, iyan ay isang balita o isang “tsismis.” Kung ang isang talata o mga talata ay binanggit o binasa sa Banal na Aklat, ay dapat na maipaliwanang o sang-ayunan ng iba pang talata na matatagpuan rin sa website na ito upang tayo ay makatiyak sa kahulugan nito.
Sa ganitong paraan tayo makatitiyak kung ang mga talata na ibinibigay sa atin ay totoo o hindi.
Kung ang mga relihiyon ay iba ang itinuturo tungkol sa mga nasusulat sa Banal na Aklat, hindi natin dapat tanggapin ang kanilang mga aral. Dapat nating makita ang pagkakaiba.
Sinabi ba sa Banal na Aklat na dapat nating sundin ang mga tagubilin ng mga relihiyon na basahin natin ang tungkol sa Dios at kay Jesus sa aklat ng mga apostol? Hindi.
Totoo ba na ang mga propeta lamang ang nakakaalam ng mga hiwaga ng Dios?
Sabi ni Maestro Evangelista, basahin sa:
Malinaw ang mensahe! Kung nais nating matanto ang katotohanan tungkol sa Dios, dapat tayong sumangguni sa mga propeta sa Banal na Aklat upang tayo ay hindi madaya ng anumang mga aral.
Papaano naman ang katotohanan tungkol kay Jesus? Sinasabi ng mga relihiyon na ang kasaysayan ni Jesus ay nasusulat sa mga aklat ng mga apostol. Nguni’t sinabi ni Maestro Evangelista na ang pinakamainam na maghayag ng tunay na kasaysayan ni Jesus ay si Jesus rin mismo. Kaya’t ating basahin ang sinabi ni Jesus tungkol sa bagay na ito:
Sinabi ba ni Jesus na tayo ay bumasa sa mga aklat ng mga apostol?
Ang sagot ay HINDI! Sa katotohanan pa nga niyan, nais niyang basahin natin ang tungkol sa kanya sa:
Sa kaalamang ito, makikita natin ang katotohanan tungkol sa Dios at kay Jesus kung tayo ay patuloy na magbabasa sa mga aklat ng mga propeta sa Banal na Aklat.
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Kung ang isang pastor o pari ay magsabi na marami siyang ipamamahagi sa inyo tungkol sa Dios at kay Jesus sa ganang kanyang pahayag; hingian ninyo siya ng kanyang tanda at kapangyarihan sa Banal na Aklat; at kung hindi niya naipakita ito, wala nang dahilan upang makipag-usap pa sa kanya. Wala siyang kapangyarihan na magsalita tungkol sa Dios at kay Jesus!
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa: Ang Pangitain ng mga Propeta
Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Wednesday May 28, 2014
|
Find www.thename.ph in Facebook The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in: “As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name." I Kings 8:41-43 (NIV)
View the visitors from around the world: Click on the Revolving Map to view it entirely.
Since May 13, 2011 If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.
Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website: (Right click on the image and select "Open link in new window.")
|
Home | About | News | Sitemap | Email Please go to www.facebook.com/Thenameph for more information.Copyright © 2011 www.thename.ph |