|
Home - TheName.Ph The
Name of God - Tanakh
Salvation
in the Name of God Part
5: Other Revelations
Concerning
tithes
Sitemap
Ang
Dakilang Mapagpanggap
Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag Hinggil sa Manloloko at Naloko
Tungkol
sa Pag-abuloy |
Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email
Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.
Ang Sumpa ng Dios Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
Alamin ang mga dahilan ng kasalukuyang kalagayan ng mundo.
NOONG unang panahon, ang mga propeta sa Lumang Tipan sa Banal na Aklat ay tumanggap ng mga pangitain mula sa Dios. Ang mga pangitaing ito ay nahayag at naganap sa kanilang panahon nguni’t mayroon din na inilihim at hindi pa rin maunawaan ng mga relihiyon at mga pantas magpahanggang sa kasalukuyan.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, hindi lahat ng mga pangitain na ibinigay noon sa mga propeta ay sadyang mangyayari o magaganap sa kapanahunan nila. Kaya may mga pangitain na mahirap unawain at hindi maipaliwanag ng mga relihiyon, mga mananaliksik at mga pantas.
Marami sa kanila ay gumamit pa ng mga pananda upang ang mga pangitain na iyon ay maging ayon sa kanilang mga aral. Nguni’t hindi nila matutuklasan ang kahulugan ng mga iyon dahil hindi sila ang inutusan na magpaliwanag at ang panahon ng paghahayag ay darating pa lamang.
Kunin si Jesus bilang isang halimbawa. Talaga bang kilala natin siya? Bakit kailangan pa ang pagdating ng “anghel” upang magbigay na patotoo sa kanya ayon sa sinabi niya sa Apocalipsis 22:16?
Basahin naman natin ang isa pang pahayag sa Lumang Tipan, na mauunawaan na sa ating kasalukuyang panahon lamang mangyari o nangyayari na. Basahin at unawain ang pahayag tungkol sa “lumilipad na balumbon” sa aklat ni Zacarias na sadyang hindi pa natatalakay at naipapaliwanag ng lubos ng mga relihiyon kundi sa ngayong panahon lamang.
Ang Lumilipad na Balumbon
Basahin natin:
Nang magkagayo'y itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, isang lumilipad na balumbon. At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At ako'y sumagot, Aking nakikita'y isang lumilipad na balumbon; ang haba niyaon ay dalawang pung siko, at ang luwang niyaon ay sangpung siko. Zacarias 5:1-2 (TAB)
Ang paliwanag ni Maestro Evangelista, ang “lumilipad na balumbon” ay ang tanda ng kapanahunan ng kaganapan ng sumpa na inibigay ng Dios noon.
Ang kahulugan nito ay mahahayag hindi sa panahon ni Zacarias kundi sa kasalukuyang “pangteknolohikang” panahon. Ito ay palatandaan ng higit na mataas na antas ng pagtatalastasan – ang "satellite communications," ang "internet," ang "cable TV networks" at iba pang bagong mga teknolohiya na wala pa sa panahon ni Zacarias. Siya ay binigyan lamang pahintulot na makasulyap sa mga panahong darating sa kanyang pangitain.
Bilang katunayan, nang tinanong si Zacarias tungkol dito sa “lumilipad na balumbon,” kanya lamang itong naisalarawan ayon sa abot o antas ng kanyang karunungan, kaya “lumilipad na balumbon” ang kanya lamang naisagot. Nangangahulugan na ang pahayag ay hindi magaganap sa kanyang panahon.
Ano ang nilalaman ng pahayag ito?
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain: sapagka't ang bawa't nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawa't manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon. Zacarias 5:3 (TAB)
Ang kahulugan pala ng “lumilipad na balunbon” ay ang ibinigay na sumpa noon ng Dios tungkol sa mga “magnanakaw” at “manunumpa,” sino-sino sila at ano ang mangyayari sa kanila sa kapanahunan?
Aking ilalabas yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko; at tatahan sa gitna ng bahay niya, at pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon. Zacarias 5:4 (TAB)
Ayon kay Maestro Evangelista, ang Sumpa ay ukol sa “magnanakaw” at “nanunumpa” ng kasinungalingan sa Pangalan ng Dios! Naihayag, lahat ng magnanakaw at nagsisinungaling na ito ay “pupugnawin” o lilipulin sa takdang panahon at ang lahat ng kanilang bahay ay magigiba. Sinu-sino sila?
Malapit n ang Panahon
Alam din ba iyan ni Jesus? Basahin sa Patooo ni Maestro Evangelista at malalaman ng lahat na kahit sa panahon ni Jesus, ito ay hindi pa natutupad. Ayon kay Jesus, sinu-sino ang “magnanakaw na nanunumpa ng kasinungalingan sa Pangalan ng Dios?”
At samantalang sinasalita ng ilan ang tungkol sa templo, kung paanong ito'y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain, ay kaniyang sinabi, Lucas 21:5 (TAB)
Ito ang panahon na ang kanyang mga tagasunod ay itinuro ang templo na pinalamutihan ng magagandang bato at may mga hain, ano ang sabi ni Jesus tungkol dito?
Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak. Lucas 21:6 (TAB)
"darating ang mga araw" – Sinabi ni Jesus sa kanila na ang templong itinuro ay may panahon ng pagkawasak. Nguni’t hindi pa sa panahon niya magaganap.
At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito? Lucas 21:7 (TAB)
Ano ang pinagkaiba ng templo ito na katangi-tangi?
Ang binabanggit ni Jesus na mawawasak sa kapanahunan ay ang templo na pinalamutihan ng magagandang bato at may mga hain.
Kailangang malaman ng may katiyakan ang uri ng templong ito, dahil may mga ibang templo o mga institusyon din na mayroong mga hain; tulad ng pamahalaan at ibang mga “foundation” o Non-Governmental Organizations (NGOs) na tumatanggap din ng mga donasyon o hain. Ano ang katangian ng templong ito na namumukod tangi? At kailan masisirang ganap?
Sinagot ni Jesus ang tanong ng kanyang mga tagasunod:
At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: sapagka't marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila. Lucas 21:8 (TAB)
Ang sabi ni Jesus ay mag-ingat ang sinoman upang hindi madaya. Bakit siya nagbabala?
Bakit sinabi ni Jesus na “Ako ang Cristo?” Ang sabi ni Maestro Evangelista, dahil si Jesus nga ay pinili noon, darating ang panahon na mga magdaratingang mga tao na mangangaral sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus at ano ang ipangangaral nila? Na si Jesus ang Kristo at ang “panahon ay malapit na!”
Nguni’t ano ang sinabi ni Jesus tungkol rito?
Noong una pa man ay nagbigay na si Jesus ng babala tungkol sa pagdating ng mga mangangaral na gamit ang pangalan niya, dahil alam niya na ang mga templo o mga simbahan na itinayo ng mga relihiyon ay masisirang ganap. Ang tanda ng templong mawawasak ay may aral na si Jesus ang "Kristo" at "Malapit na ang panahon". Si Jesus na mismo ang nagsasabing mali ang mga aral na ito at huwag paniwalaan dahil ililigaw ang lahat!
Ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang “Kristianismo” at mga ibang relihiyon na nagbibigay pansin sa kanya.
Kailan ang panahon ng pagkasira ng mga ito?
At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi pa malapit ang wakas. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian; At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit. Lucas 21:9-11 (TAB)
Nguni't bago mangyari ang pagkagiba ng mga templong ito, mangyayari muna ang mga digmaan, kasakunaan, paglilindol, kagutuman at pagsasalot.
At sa ating kasalukuyang panahon ay nangyayari ang mga ito ng sabay-sabay, ito na ang tanda ng pagkawasak ng templong binanggit ni Jesus.
Ngayon, ihahayag ni Maestro Evangelista kung sinu-sino ang mga pumaparito sa pangalan ni Jesus na nagtuturo na siya (Jesus) ang "Kristo" at "Malapit na ang panahon."
Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, at sa ating pagkakatipon sa kaniya: II Tesalonica 2:1 (TAB)
Ang paksa sa usaping ito ay ang tungkol sa pagparito ni Jesus, ano ang payo na ibinigay sa mga tagasunod?
Upang huwag kayong madaling makilos sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na ang kaarawan ng Panginoon; II Tesalonica 2:2 (TAB)
Kahit ilang taon pa lang ng mamatay si Jesus, pinaghahandaan na ng kanyang mga tagasunod ang pagbabalik niya. Basahin kung si Jesus nga ay darating:
Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan, II Thessalonians 2:3 (TAB)
"ito'y hindi darating" - Hindi na babalik si Jesus, at ang naniwala sa gayon ay nadaya pa!
Sino naman ang binabanggit na "taong makasalanan." Sa anong paraan siya mahahayag sa lahat ng tao?
Ang Taong Makasalanan
Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios. Hindi baga ninyo naaalaala nang ako'y kasama ninyo pa, ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito? At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan. II Tesalonica 2:4-6 (TAB)
Sino ng taong ito? Kailan siya mahahayag?
Sapagka't ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito. II Tesalonica 2:7 (TAB)
"ang hiwaga ng kasamaan" - Ang kapangyarihang tinanggap niya mula kay Satanas.
"hanggang sa alisin ito" - hanggang siya ay mahayag.
Sa anong paraan mahahayag ang “taong makasalanan?”
At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin; II Tesalonica 2:8 (TAB)
"papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig" – Sa Patotoo o salita ni Jesus mahahayag kung sino ang binabanggit na "taong makasalanan," nguni’t alam na ng lahat na hindi na magbabalik si Jesus, kaya ang “anghel” na lamang niya (Apocalipsis 22:16) ang maghahayag ng katauhan ng “taong makasalanan.” Malalaman ng lahat mamaya.
Kanino ba nagmula ang aral o pag-iisip na “si Jesus ay babalik?”
Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas. II Tesalonica 2:9-10 (TAB)
Kahit na ang mga relihiyon ay nangaral sa pagbabalik ni Jesus, at gumawa sila ng iba’t-ibang mga ritwal, ang pagpapalayas ng mga demonyo, ang pangako ng kaharian ng dios (na hindi kilala), at ang mga himala ng pagpapagaling sa “ngalan ni Jesus.”
Lahat ng ito ay mga kasinungalingan lamang pala sapagka’t ang kanilang mga aral ay hindi sa Dios, bagkus ay kay Satanas! Malalaman din mamaya kung papaano nangyari ito.
Ano ang ginawa ng Dios?
At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: II Tesalonica 2:11 (TAB)
Kaya ang sabi ni Maestro Evangelista - Ito ang Sumpa ng Dios sa mga relihiyon at sa mga tagasunod nito! Ni isa, kahit na ang mga relihiyon ay hindi nagbigay pansin tungkol sa pahayag na ito ni Jesus; ang mga relihiyon ang magigiba at hindi ang mundo!
Kaya hindi dapat magulumihanan ang sangkatauhan sa mga pananakot ng mga relihiyon!
Gaano karami ang mga simbahan at mga relihiyon? Gaano rin karami ang nadaya sa pag-aakalang si Jesus ay tunay na magbabalik?
Alam na ngayon kung anong uri ng templo ang mawawasak sa kapanahunan... ito pala ang mga bahay ng mga relihiyon! Ang mga sinumpa ay nakilala na... ang mga pinuno ng mga relihiyon, sandaling panahon na lamang at ang lahat ay malalaman na ang katotohanan nito.
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Ito ang mensahe ng pahayag mula sa Salita ng Dios para sa sangkatuhan: ang huling paghahayag ng Katotohanan, ang makita ang tama at ang mali! Sa panahon ng “lumilipad na balumbon” o ang “digital and internet age” ang tanda ng kapanahunan na mahahayag na ang pandaraya ng mga relihiyon na sumamba sa “ibang dios na hindi kilala” na sinunod ng lahat.
Ang dahilan ng sumpa ay malalaman sa kasalukuyang panahon, dahil ang mga tao ngayong may paraan nang magkaroon ng higit na kaalaman gaya ng binabasa ninyo ngayon, hindi gaya noon na madaling naitatago ng mga relihiyon ang katotohanan.
“Lumilipad na balumbon” - ang tanda ng Sumpa ng Dios! Nguni’t ano ba talaga ang sumpa na ibinigay ng Dios at ano ang dahilan kung bakit ang lahat ay nadamay? Hindi malalaman ang kasagutan sa tanong na ito kung hindi aalamin ng lahat ang pinag-ugatan nito.
Ano ang ibig sabihin ng “Sumpa”?
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa: Pagpapala at Sumpa
Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Monday November 23, 2015
|
Find www.thename.ph in Facebook The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in: “As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name." I Kings 8:41-43 (NIV)
View the visitors from around the world: Click on the Revolving Map to view it entirely.
Since May 13, 2011 If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.
Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website: (Right click on the image and select "Open link in new window.")
|
Home | About | News | Sitemap | Email Please go to www.facebook.com/Thenameph for more information.Copyright © 2011 www.thename.ph |