|
|
Home - TheName.Ph The
Name of God - Tanakh
Salvation
in the Name of God Part
5: Other Revelations
Concerning
tithes
Sitemap
Ang
Dakilang Mapagpanggap
Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag Hinggil sa Manloloko at Naloko
Tungkol
sa Pag-abuloy |
Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.
ANO ANG MANGYAYARI KAPAG HINDI MAKIKINIG ANG MGA TAO?
PAPAANO KUNG HIND DIDINGGIN NG MGA TAO SA MUNDO? Ano ang mangyayari? Inihayag noong ika-24 ng Setyembre 2006
Ano ang sabi ng Dios hinggil sa mga taong hindi didinggin ang Kanyang Salita?
Pro 1:22 Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? Pro 1:23 Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. Pro 1:24 Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; Pro 1:25 Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway: Pro 1:26 Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; Pro 1:27 Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. Pro 1:28 Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: Pro 1:29 Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. Kawikaan 1:22-29 (TAB)
Ito ang huling panawagan ng Dios.
“ang takot sa Panginoon” – Ano ang ibig sabihin nito?
Pro 9:10 Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. Kawikaan 9:10 (TAB)
Dapat mong kilalanin ang kinakatakutan mo, kung hindi, wala rin iyon. Bakit kaunawaan?
Pro 4:7 Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa. KAwikaan 4:7 (TAB)
Dapat ay magkaroon din tayo ng unawa. Nawala ito nang inilagay natin ang ating pananalaig sa isang paniniwala na nagpababahabahagi sa ating lahat. Bakit ngayon lang? Ang sagot ni Maestro Evangelista:
Hab 2:2 At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, Isulat mo ang pangitain, at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon. Hab 2:3 Sapagka't ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal. Habakkuk 2:2-3 (TAB)
Ang panahon na sinabi noon ng mga propeta ay malapit na.
Sa mga taong sumusubaybay sa mga pahayag ni Maestro Evangelista, mayroon rin kayong gagampanan sa Dakilang Pahayag ng Dios. Ito ang panawagan ng Dios sa inyo upang ipaalam sa mga pinuno ng mga bansa at paniniwala na pakinggan ang sasabihin ni Maestro Evangelista, ang huling sugo, sa ngalan ng Dios.
Mga kasakunaan, digmaan, kagutuman at pagsasaot ay darating pa, hanggang sa tayo ay masupil o madaig.
Ito ang panahon na tatawagan tayo sa Dios. Sa anong Pangalan natin tatawagan Siya, na siyang nasa itaas!
TRANSLATION IN PROGRESS
|
The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in: “As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name." I Kings 8:41-43 (NIV)
View the visitors from around the world: Click on the Revolving Map to view it entirely.
Since May 13, 2011 If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.
Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website: (Right click on the image and select "Open link in new window.")
|
|
Home | About | News | Sitemap | Email Copyright © 2022 www.thename.ph |